KARLA - Isang Probinsyanang Saleslady na nag-o-on-line selling sa gabi para magkabahay
Bilang isang on-line seller, ano ang gusto mong i-“mine”?
“S’yempre, sariling bahay!” sabik na sagot ni Karla, 30, tubong Samar. “Kaya nga dahil sa pangarap kong magkaroon ng sariling bahay, bukod sa pagiging sales lady sa umaga, suma-sideline rin ako na on-line seller sa gabi,” kuwento ni Karla.